Eto na, featuring... my favorite JUNK!
Ang Haw flakes, kabataan ko pa lang gustong gusto ko na ito. Napakasarap at napakatamis. Kaya lagi akong me take home nito pagnakita ko ito sa grocery or any chinese store. One pack of 10 pieces cost only PhP12. Murang mura, swak na swak sa budget ; p
haw flakes
Ito namang red kiamoy, pinagtiya-tiyagaan ko lang. Kasi ba naman, di na ako makakita nun matamis na pulang kiamoy. Nowadays, when you say sweet kiamoy, the seller would point at the black/dark kiamoy. Eh, ayaw mo nun. Ewan ko ba, di ko nahiligan ang kulay nun. So eto nag tiya-tiyaga... para lang makakain... haha
Etong isang ito, nakita ko ito sa isang grocery na malapit sa amin. Hindi ko na papangalanan un grocery at baka malaman niyo pa address ko haha Why not? Chocnut (isa pa sa paborito ko kaso wala sa piktur)! Baka nga naman mapadalhan niyo pa ako ng regalo since malapit na ang beerday ko haha I wish! Kuripot!
Binili ko kaagad ito since I remembered eating this in my college years. Nag upgrade na ako from manggang hilaw with bagoong noong highschool ko. Come to think of it, medyo kadiri un manggang hilaw na un. Buti nalang di ako nagkasakit. Knock on wood!